Friday, September 14, 2007

"PLAN-DER" da lampoon sequel

PART 1

Mga dapat intindihin tungkol sa mga TAUHAN:

Haring arthro- “ang lakas ko…malakas ako….pero ikukulong ako” ...."itago ako sa pangalang Jose balde"

Denggoy- anak ni haring arthro na pinuno ng isang grupo sa tribu. iSANg kjuan (pronounced as isang kwan)

Reyna nunal- kasalukuyang pinuno ng sangka-tribuhan

Mga langaw at lamok sa lansangan- mga madalas mahampas ng latigo, maispray ng baygon, at mapaiyak sa tirgas

Mga engkantaong hukom- tagahatol sa mga may sala. Naiiba sila sa mga pinuno at myembro ng tribu. May sariling mundo.

Kalbong kawal- mga alipin ni reynang nunal

Barok na Kawal- mga alipin ni haring arthro


SETTING: sa tribu


eto na yon.....

Madalas ay di ko matagalan ang makukulit na langaw at matatakaw na lamok sa lansangan. Ngayon, heto’t may dumagdag pa. Nararapat nga bang intindihin si Denggoy na anak ni haring Arthro? Iginigiit nyang motibasyon ng sangka-tribuhan ang kamakailang resulta ng paglilitis sa kanilang mag-ama at iba pang magnanakaw. Pare pareho lang naman sila. Kung may usok, may nagsisiga. Wehek. Magkakakaso ba sila kung wala namang basehan? Ngayong lumabas ang hatol umaapela pa. Sabagay, may punto din si denggoy. Subalit sana’y nanahimik na lamang sya dahil mas makukuha nya ang simpatya ng lipunan kung magpapakamartyr na lamang sya. Tulad ng kasalukuyang reyna ng tribu. Tahimik lang. MUNA….

Si reyna nunal ay matapang ngunit marunong humingi ng paumanhin. “ I am suray” yan ang madamdaming sinabi nya noon sa sangka-tribuhan. Anu’t ano pa man, hindi pa rin natin maitatatwa na ang reynang ito ay nagkasala din! Niloko nya ang buong tribu dahil dinaya nya ang eleksyon. Dahil dito ay maaaring magkaroon din ng punto si Denggoy dahil ang Reyna ay maraming galamay na humahaplos at sumasabunot sa buhok ng mga kalbong kawal nya. Nanggagalaiti si Denggoy dahil inagaw ng Reyna nunal na ito ang trono ng kanyang Amaing Arthro. Isang napakalaking pagtapak nga naman sa kanilang ego ang pagkaluklok ng reynang ngayon ay nagpapakulong, diumano, sa kanyang amaing hari.

Si Denggoy ay naabsuwelto sa kaso subalit ang kanyang ama ay nasintensyahan ng mga engkantaong hukom. Ang mga pinuno sa tribu ay muling nagkawatak watak. Nagkakampihan. Ang mga barok na kawal ni haring arthro ay nagsisimulang gawin ang kanilang plan B. Ang pagsampa ng emosyon por sigenaplis. Ang mga makukulit na langaw at Matatakaw ng lamok ay nagbabadyang mag-amok sa lansangan. “pakawalan si haring Arthro”. Yan ang sigaw nila. Ang mga sususunod na kabanata sa ganitong panahon ay inaasahan na. Uutusan ni Reynang Nunal ang kanyang sandatahang kalbong kawal na bugawin at hatawin ang mga kawawa ngunit makukulit kasing mga insekto.

KATAHIMIKAN! Isantabi ang mga ngusua’t mahaderang mga insekto na yan pwede? Malamang ay di nyo naiintindihan ang mga karatulang ibinbandera nyo sa ere. Utang na loob. Makinig kayo! Kung ayaw ninyo, siguro ay nararapat lamang na tulungan na lamang si haring arthro na bayaran ang multang humigit kumulang ISANG BILYONg tumataginting na pilak. Ito ay utos ng mga engkantaong hukom. Ipinataw ng mga engkantaong ito ang napakalaking multa na ito dahil sa malaking yaman na idineposito diumano ni haring arthro sa iba’t ibang bulsa kabilang itong sa ligaw na kaluluwang nagngangalang jose balde. Sino nga ba ang jose balde na ito, at balde balding pilak ang naibulsa? Sinasabing ito ay code name lang ni haring arthro. Naman!

Ang nakatagong kahariang tinawag na bora mansion ay binabawi na rin ng mga engkantaong hukom. Saang bulsa na naman kaya mapupunta ang mga ito? Kay Reynang nunal? Abangan…..

Itutuloy…….




2 comments:

andianka/jadiebrat said...

wahahahha! PANALO! asteeg ah! sobrang creative. :P

Lanilane Ocbina (chibi) said...

AHAHA..andrea salamat sa paggapang..ahihi...juk...thanks for visiting! :)