Friday, April 10, 2009

matyuriti


GRO AP! (wat is matyuriti?) by tsibitsu (ito ay hango sa aking sinulat para sa eucreo- march issue) Nosebleeeeeed ka ba sa nakaraang isyu ng eucreo? Napansin mo bang puro English ‘yon? Well well well, nagbasa ka man o hindi, naki-emote ka man o nakitawa, nakibasa o nakisagot sa evaluweysyon islip .. humanda ka sa di mapigilang hininga’t hikab at umaatikabong rebelasyon na itatransleyt natin sa tagalog. Eto ang pinakabagong kolumn ng pinakakyut na publikasyon sa balat ng earth now.
Sa inyong lahat mga kapatid, mga kasambahay at ka-opismeyt, may ginagawa man o sadyang inaatake ng katamaran at tumatambay sa tabi tabi, sa mga nanonood ng wawawi (ang programang dapat ay pang adults only dahil sa pirapirasong damit ng ey-es-ef), sa mga humihilik at humahagikhik, sa mga nangingiti, nangangati at nanggagalaiti, sa lahat ng tao sa mundo, bigotilyo at bigotilya, mga machong papa sa lahat ng sulok at kalye, sa mga sigang ate sa kanto na hanep sa porma (pare pakiss.. yak!)… makinig kayong lahat! Isang napakahalagang anunsyo sa papel na hinahawakan mo ngayon ang dapat pagtuunan ng pansin. Ito ay ukol sa isang napakahalagang katanungan: ILANG TAONG GULANG KA NA BA? Opo, tama po ang katanungang ito (mala mike enriquez). Ako ay nasa katinuan pa naman at syur manyur, ito ang gusto kong malaman > gaano ka na ba katanda??

Sa mundo ng kanormalan na pinaghahatulan ng mga hukom na naka gown na itim, madalas natin marinig ang salitang menor de edad (minor age). Ito ay tumutukoy sa mga taong wala pa sa hustong gulang. Kung baga sa lalake, puro paglalaro ng batobatopiks o kaya basketbol ang nalalaman. Kung sa babae naman, ay yung puro pagpapakyut at walang ibang ginawa kundi ang makyutan sa mga kyut na dumadaan. At sa mga binatilyong kaloka sa ahit ang kilay, na walang magawa kundi rumampa sa mall ever. Gayundin sa mga dalagitang maton na panay ang pagdiskarte sa mga seksing tsiks sa mall din. Sila nga, sila nga ay ang mga wala pang muang sa mundong ibabaw.Kung hindi ka kabilang sa kanila, ano ka na?

Madalas sabihin ng magugulang na magulang na kailangan mong magro ap (grow up). Mag-isip, mabuhay, at tumayo nang naka heels. Kung titingnan mo ang iyong sarili, kabilang ka na ba sa mayor de edad at hustong gulang na daw? Marami sa atin na naturingang adult eh umuurong sa pagiging infant. Parang bonjing na daig pa ang batang inagawan ng lolipap kung umatungaw at wag ka, sadyang hahanap ng kaaway para makipagbuntalan sa gitna ng kalye. Madalas ang buntalan na ito ay nauuwi sa demandahan sa korte o kaya naman, sa mga hindi ganun kasosyal, ay nauuwi sa pagdanak ng pulang likido na alam na nating humahantong sa inisan at tutukan ng taga at sairan ng tapang at ubusan ng lahi. Hay, kasingbabaw ng butas ng mister donut (o sige dunkin donut na rin) ang kaisipan ng mga pasaway na taong ito. Hindi ba’t dapat na wag gantihin ng masama ang masama? At Dapat magmahalan?
Nakow, nasaan na nga ba ang tunay na kamatyuran. Siguro’y nalilito na ang iyong utak na pilit gustong mag-hibernate muna hindi lang dahil sa init ng panahon ngayon kundi dahil sa puntong nais kong ipaalam. Nais ko lang naman ipabatid na seryoso ako sa aking pakikibaka at pakikipaglaban ng puntong ito.

Sadyang masidhi ang aking paghihingapis dahil isa lamang ang aking nais iparating. GRO AP! (grow up!) - Ika nga ng magugulang na magulang. Minsan nga naman, may matitino din silang suhestyon, at yun yon! Ngunit hindi nga? Mahirap ba maging matyur? (mature) Sinasabing ang pagiging mature ay hindi naaayon sa pisikal na aspeto, kaya naman wala yan sa rinkels o kaya sa amoy. Hindi rin ito binabase sa edad o kaya naman sa dami ng librong nabasa. Lalong lalo nang hindi sa dami ng ulit ng pagkapanood ng twilight o harry potter na hindi ko mawari kung bakit adik ang marami. Ang matyuriti ay tungkol sa ATTITUDE. Oo, attitude o karakter. Meron ka ba nyan?

Ang ating Amang nasa langit ay tumitingin sa ating karakter at hindi sa medalya o layfsays na trofi sa cabinet ng iyong mama. Heto ang tseklist para malaman mo kung ikaw ay may ATTITUDE!

1. POSITIBO SA MGA ORAS NG KANGARAGAN – dito nasusubok ang iyong pananalig sa Diyos. Kayang kaya mo bang bumanat ng todo kahit ikaw ay nanghihina? Kaya mo bang ibigay ng husto at manatiling umaangkin ng katagumpayan dahil naniniwala ka na sumasaiyo ang pinakamalakas na back-up na si Hesus? Esep esep.

2. SENSITIBONG PARANG PIMPOL- Ikaw ba ay sadyang hindi manhid sa mga tao sa paligid? Puwes! Kailangan mong maging tulad ng isang pimpol o pigsa na madampian lang ng kahit sing-pirasong square millimeter ay aaray! Kailangan maging concerned sa mga tao sa iyong paligid. Yan ang tunay na kamatyuran. Magmahalan tayong lahat!

3. HINDI BASAGULERO O BUNGANGERA- ang isang matyur na tao ay pismeyker. Hindi sya naghahanap ng away sa kanto or kung saang suluk sulok. Marunong syang magsaayos ng kaguluhan. Hindi na baleng magulo at kasintigas ng alambre sa sampayan ang emo-emohan nyang buhok, basta’t ang kanyang puso ay mapagmahal sa kapayapaan. Ang Diyos ay sadyang nalulugod sa mga taong ganito.

4. MAPAGPASENSYA AT MADASALIN- ang taong matyur ay pinagkakalooban ng Diyos ng malawak na pang-unawa at mahabang pasensya. Ang peysyens (patience) ay hindi direktang ibinibigay ng Maykapal dahil sabi nga sa ‘evan almighty’, bibigyan ka ng Ama ng pagkakataon upang masubukan ang iyong peysyens, hindi Nya ibibigay sau ang peysyens na nakabalot sa makintab na gipraper at may card pa! haler! Tumawag ka lamang sa Kanya at siguradong hindi sya mauubusan ng load para magtext back. Pramis!

Matapos mong itsek ang mga dapat itsek sa apat na ito (nawa ay mayroon kahit isa man lang o kalahati), nais kong icongratulate ka dahil ikaw ay nasa proseso ng pagiging matyur. At para malaman mo, malaman nya, malaman nating lahat – Ito ang tunay na karangalan sa mata ng Ama! Walang halaga ang rekognisyon ng mundong ito o kahit anong gantimpala sa mga patimpalak kung wala kang attitude! Sa buhay na ito, hindi mahalaga ang yaman ng mundo o ang tindi ng IQ ng isang tao, dahil para sa ating Bosing sa heaven, ang PUSO ang kanyang sinasaliksik. Kaya tayo na! Gro ap na!

No comments: