Dyu to insistent pablik demand, minabuti ng Eucreo na pagpuyatan at pagbuwisan ng dugo at pawis pati na rin ng seryosong pagsusunog ng kilay ang artikulong ito. Kaya’t sa mga nabitin sa fityur tungkol sa gwapitong si BRIAN WELCH sa nakaraang isyu, kayo ay magalak dahil heto na ang mga susunod na kabanata..
ANG LAB NG ISANG BRIAN WELCH (part tu)
by tsibitsu (hangong muli sa aking sulat para sa eucreo-march issue)
Sa dami ng nabitin sa kwento ni Brian Welch, ako ay tila naeksayt nang konti, dahil nawari ko na may nagbasa din pala ng sinulat kong ‘yon. Kaya naman binusisi ko pa nang lubusan ang bawat hibla ng nakaraan ni papa Brian para lamang dumami pa ang mainspayr, kahit na ako’y mapagkamalang stalker at may crush sa yummy daddy. Sa mga naatrak sa kanya, wag kang magpapahalata. Kumuha ka ng tubig at gamot pampakalma- mga sampung capsules para syur na walang paltos at epektib, parang supra feeds.
Sa aking masusing pananaliksik, aking napag-alamanan na si Brian ay tatlumpu’t walong taong gulang na. Pinanganak noong June 19, 1970. Opo! Bayaning bayani ang dating dahil kabertdey nya ang ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.
ERLI LAYF
Si kuya Brian ay lumaki sa Bakershield, California (oo kapitbahay ko sya dati kaso dito na ako now sa LA >> legazpi albay) at noon pa mang sya ay di pa katandaan, nakahiligan na nya ang musika. Sya ay rakista na at magaling na gitarista noong sya ay sampung taong gulang pa lamang. Ang astig na si “head” (alyas ni kuya brian) ay nagkaroon ng unang gitara na ang brand ay “peavey Mystic” lang naman. Etong si kapatid na brian ay gusto sanang magtambol (drums) ngunit ang kanyang ama ay naiirita sa kaingayan kaya’t sinabi nito sa kanya na mas maganda kung gitara na lamang ang kanyang kalabit kalabitin araw gabi. Ang unang banda ni daddy brian ay tinawag na “pierct.”
PERSONAL LAYF
Ninais ko, at alam kong ninais mo rin na malaman ang personal na buhay ni daddy brian (umamin ka na!). Kaya heto na ang syur manyur na magpapalambot sa iyong tumitibok tibok at pumipintig pintig na atay at puso.
Noong 1995, sya ay nagkaroon ng anak sa kanyang asawang si Rebekah ngunit sa napakasaklap na pagkakataon, ang kanilang anak ay ipinaampon ni bebekah. Sa pangalawang pagkakataon na sila ay binigyan ng Panginoon ng anak, nagdesisyon sila na huwag nang ulitin ang una na nilang ginawa sa panganay.
Ang pangalawa nilang anak na si Jennea Marie Welch ay ipinanganak
noong July 6, 1997.
Tulad ng aking naisulat sa unang isyu ng Eucreo, si brian ay dati nang
adik at walang inatupag kundi humithit ng kung anu-ano. Kaya naman
almusal, tanghalian, panggabi at ginagawa na rin nyang panghimagas
ever at minsan pastaym na rin nya ang magtsungki sa tabi tabi. Si kuya brian noon
Kasabay niyon ang pagkanta at pagtugtog sa banda nyang Korn, na walang inatupag kundi ang gumawa ng musika tungkol sa kalaswaan, kasamaan at kung anu-ano pang kabadingan na lubos na sinuportahan ng manager na si satanas, kaya naman maraming pariwarang kabataan ang aliw na aliw sa kabaliwan ng banda.
Ngunit napakabuti talaga ng Maykapal dahil sa kabila ng lahat ng pagkalugmok na iyon ni Brian, sya ay nabigyan ng liwanag at muling ipinanganak bilang kapamilya ng mga mababait na kristiyano. Paano ito nangyari? Sabi ko na nga ba’t itatanong mo ito sapagka’t mayroong isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim… stil kawnting ang nangungulit sa akin tungkol dito. Kaya naman buksan ang iyong bilugang mata at isuot ang kulay pulang kontak lens kung meron man.
Si kuya brian at anak
na si Jenea
Si Brian ay hiniwalayan ni bebekah (o baket!) at naging single tatay
mula noon. Isang araw, napansin ni daddy brian na ang kanyang limang taong gulang (noon) na bagets na si Jennea ay kumakanta ng mga sex lyrics mula sa kanilang kanta (nem!). Mula nang marinig nya iyon, si brian ay nawindang at napag-isip isip na tila oras na para iwan ang banda. Ngunit marami ang pumipigil sa kanya.
Isang araw, kahit normal na sa pagiging bangag itong si tatay brian, may isang kaibigang buong loob at kapalmuks na sumubok imbitahan sya na makijam sa kanilang church. Iyon ay pinaunlakan ni Brian at sa unang pagkakataon, sa loob ng napakahabang panahon, siya ay may kakaibang naramdaman. Syur na syur na hindi sya high ng mga panahong iyon.
Doon na mismo ang naging simula ng pagbabago mula sa kanyang buhay adik. Ni hindi nya kinailangan magpa-rehab para mawala ang adiksyon. Lubhang napakatindi ng powers ni Lord para sa isang usang sugatan na tulad ni Brian. Ngayon, siya ay bagong nilalang na nagsisilbi sa Panginoon.Ninais ni Brian na tumaliwas ng landas, papalayo sa karangyaan at sa mga kinagisnang masayang barkada sa bandang Korn. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng kyut na si Jonathan Davis (bokalista ng Korn) at patuloy na dumaan sa pagsubok matapos ang kontrobersyal na pagkasira ng banda. Ngunit pilit na ininda ito ni Brian dahil sa makabago nyang paniniwala. Lahat ng iyon ay iniwan nya sa Panginoon.
.Si Brian ay nagsulat ng libro at hindi pa ako bumibili nito. Subalit napagwari ko na mukang maganda ang nilalaman niyon. Ang mataray na titulo ng libro ay “saving from myself”. Dito niya isinalaysay ang kanyang makapigil hiningang testimonya na pihadong magbibigay inspirasyon sa lahat. Sa ngayon, peace na sila ng dating kaberks na si Jonathan at ng ibang myembro ng Korn. “ I love you guys..” , sambit ni kuya Brian sa banda sa isang interview nang matanong kung galit ba sya sa dalawang hate song para sa kanya ng Korn.
SI BRIAN NGAYON
Kung titingnan natin ang katawan ni kuya Brian, hindi lang ang kyut nyang muscles ang iyong mapupuna. Naroon din ang mga tattoo na naglalaman ng mga paborito nyang bersikulo sa bibliya. Bukod sa pagiging misyonaryo ni Brian, siya ay patuloy sa paglilingkod kay Lord sa pamamagitan ng musika.
Ang kanyang solo karir ay kasalukuyang namamayagpag sa iba’t ibang networks sa tate. Hindi man kasinlaki ng tinalikuran nyang 23 milyong dodododolyares sa bandang Korn ang kanyang kinikita sa kasalukuyan, hindi kailanman ipagpapalit ni Brian ang kasiyahang natagpuan nya sa ating Panginoon.
Saturday, April 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment